Mga Post

Supermoon totoo ba na magdudulot ng trahedya?

Halos karamihan ng mga Pilipino ay inaabangan ang pag sapit ng Supermoon na mangyayari bukas March 19, 2011dahil marami ang nagsasabi na ito raw ay maaring magdulot ng maraming trahedya tulad ng tidal waves, tsunami, lindol o kaya bagyo. Tinitiyak naman ng mga experto na hindi ito mag dudulot ng anumang kalamidad at sinasabi nga nila na ang nangyari sa Japan na lindol at tsunami ay walang koneksyon sa Supermoon na mangyayari bukas. Subalit marami pa rin ang nangangamba  na baka daw magdulot ito ng disgrasya at kalamidad kaya ang iba ay naghahanda. Ang ibang religious group naman eh sinasabi na ito daw ay may kaugnayan sa pag katapos ng Mundo o End of the world gaya na lang ng Mayan Calendar na kung saan ang petsa neto ay hanggang 2012 lamang. Ang Mayan Calendar ay isa sa pinaka unang kalendryo na ginamit noong unang panahon ng mga astika.
Mga kamakailang post